Arestado ang tatlong Pakistani at isang Romanian sa Cavite matapos silang mahuli na umano’y pambabastos sa watawat ng Pilipinas, ayon sa Philippine National Police.
Kinilala ng PNP ang suspek na sina Sharoon Manzoor, 29; Shahid Manzoor, 45; at Shamail Jalal, 36—na lahat ay mga Pakistani; at Romanian Loan Oprescu, 36.
Dinakip ang mga dayuhan noong Hunyo 26 dahil sa umano’y paglabag sa Section 34 ng Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.
“Reports revealed that the suspects were caught in the act of disrespecting the Philippine National Flag. They were observed pulling and damaging the flag before discarding it in a grassy area near the camp,” ayon sa pahayag ng PNP.
Sinabi ng PNP na naganap ang insidente alas-5:40 ng umaga sa Marine Base Gregorio Lim sa Sitio Calumpang, Barangay Sapang 1 sa Ternate, Cavite.