GENERAL SANTOS CITY – Napamigay na sa mga residente ng Bicol region na biktima ng bagyong Rolly at Ulysses ang relief goods na pinadala ng Police Regional Office 12.

Kinumpirma ni P/Brig Gen John Michael Dubria, Regional Director ng Police Regional Office 12 na dumating nuong sabado ang apat na cargo truck na lulan ang 226 sako ng tig 50 kilo na bigas, 121 sako ng tig 25 kilo ng bigas, 50 sako laman ang tig 5kg ng bigas.

Maliban sa bigas karga din ang 20 karton ng delata, gamot at mga face mask.

Dala din ang mahigit sa P1M halaga ng construction materials na pamigay sa mga biktima na nawalan ng bahay.

Hindi na pinagngalanan ng opisyal sino-sino ang nagbigay subalit ang mahalaga umano na maibigay ito sa mga biktima ng bagyo.