-- Advertisements --

Dinukot ng mga pirata ang apat na Koreans at isang Filipino crew member ng tuna-fishing vessel sa Guinea Gulf.

Ayon kay Felix Charles Asare, crime officer for the Marine Police Unit, nabawi nila ang Ghana-registered na barko at ilang crew nito.

Patuloy aniya ang kanilang ginagawang pagtutugis sa mga dinukot na mga crew members.

Ang Gulf of Guniea kasi ang siyang pangunahing rota na dumudugtong mula Senegal patungong Angola kung saan maraming naiulat na mga dinudukot ng mga pirata.

Magugunitang nanawagan na ang mga international shipping and maritime companies ng pagtutulungan para malabanan ang mga pirata sa Gulf of Guinea.