Patay ang apat na armadong katao sa naganap na shootout laban sa mga pulis sa Quezon City kaninang madaling araw.

Batay sa inisyal report ng Quezon City Police District (QCPD) na nakasagupa ng mga pulis ang apat na armadong indibidwal sa may bahagi ng Road 11, Barangay Balingasa kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Tinutukoy na ng QCPD Station 1 ang pagkakakilanlan ng apat na nasawing indibidwal.

Ayon kay QCPD Station 1 PSupt. Robert Sales na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng apat na armadong indibidwal na kaagad nirespondehan ng mga pulis.

Sinabi ni Sales na unang nagpaputok ang mga suspek na naging dahilan sa pag retaliate ng mga pulis.

Narekober sa mga suspek ang dalawang cal-.45 handguns, isang  cal-.38 pistol at isang 9mm gun.

Nakuha rin ang tatlong sachets na hinihinalaang shabu.