CENTRAL MINDANAO – Naaresto ng mga otoridad ang apat katao na nagdadala ng mga matataas na uri ng armas at pampasabog sa Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Taib Guimbalangan, 55, Merciful Zainudin, 27, Ali Mohamad, 25, at Farhan Saludin, 20, na mga residente ng Barangay Pidsandawan, Rajah Buayan, Magauindanao.
Ayon kay Datu Abdullah Sangki chief of police, Lieutenant Judith Ambong na tumanggap sila ng intelligence report sa apat na mga armadong kalalakihan na dadaan sa kanilang bayan lulan ng kotse.
Namataan ng Datu Abdullah Sangki PNP at Bravo Company ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army na papadaan sa kanilang Checkpoint sa Brgy Dimampao sa bayan ng Datu Abdullah Sangki ang sinakyan ng mga suspek na Hyundai Accent kulay itim na may plakang ABC-6017.
Narekober sa posisyon sa mga suspek ang dalawang M16 armalite rifles, grenade launcher, granada, mga bala at magazine.
Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facility sa Datu Abdullah Sangki PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.