-- Advertisements --

Nananatiling bukas ang ilang gate ng Ipo dam, Ambuklao dam at Binga dam, kahit wala nang naitatalang malalakas na buhos ng ulan.

Ayon sa Pagasa, layunin nitong mailagay sa normal level ang laman ng mga dam, para hindi agad umapaw kapag may mga panibagong sama ng panahon na darating.

Iniulat ng Hydrology division na .15 meters ang bukas na gate ng Ipo dam dahil malapit na itong pumalo sa normal high water level na 101 meters.

Apat na gates naman ang nakabukas sa Ambuklao dam sa Benguet na halos wala nang isang metro para maabot ang 752 meter na normal high water level.

Samantala apat na gates din sa Binga dam dahil sa napipintong pag-abot nito sa normal high water level na 575 meters.

Sa pagatay ng weather bureau, manunumbalik pa rin ang mga pag-ulang dala ng habagat sa mga susunod na linggo, kaya mahalagang maihanda ang ating mga water reservoir.