KORONADAL CITY – Patay ang apat na pinaghihinalaang suspek sa carnapping at pambo-bomba sa Sultan Kudarat matapos madakip sa checkpoint ng mga pulis sa bayan ng Esperanza.
Ayon kay Bombo Correspondent Larry Geronio, binangga ng dalawang motorsiklo ang signboard ng checkpoint sa lugar at agad tumakbo para tumakas.
Nagpapaputok pa raw ang mga ito gamit ang kanilang armas pero ginantihan din ng pinagsanib na pwersa ng Highway Patrol Group-Region 12, Esperanza Municipal PNP at Sultan Kudarat Provincial PNP.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gabriel Maulana; Tongs “Kulot” Camidon; Kadel Tambig at Kamad “Dali Bakuludan” Pidiwata.
Na-recover mula sa apat ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, IDs, dalawang calibre-.45 na baril, mga bala at cellphone. (With reports from Larry Geronio)