KORONADAL CITY- Kinumpirma ni 6th Infantry Division Philippine Army spokesman Major Arvin Encinas na nakapagtala na ng apat na patay sa hanay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa kanilang isinasagawang focused military operations partikular sa Sitio Munkas, Barangay Malingao, Shariff Aguak, Maguindanao.

Napag-alaman na nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng BIFF-Islamic State of Iraq and Syria inspired group na pinamumunuan nina Kumander Bungos at Abu Misry Mama.

Dito ay narekober din ang mga first aid kits, high-powered firearms, pampasabog at iba pang mga war materials ng mga terorista sa kanilang pagawaan ng mga armas.

Kaugnay nito, malaking dagok umano sa BIFF ang pagkakarekober ng kanilang armory lalo na at pahina na ng pahina ang kanilang grupo.

Samantala, nagpapatuloy ang clearing operations ng mga sundalio sa lugar at ang pagtugis sa iba pang mga sugatang kasamahan ng mga ito.

-- Advertisement --