CENTRAL MINDANAO-Huwag hayaang kumalat ang mikrobiyo (virus) at agad ipasuri ang mga alagang baboy kung may sintomas ng ASF sa apat na Barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato.
Ito mismo ang naging kautusan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
Ayon kay Mayor Guzman Jr na apat na barangay sa bayan ng Kabacan ang nakapagtala ng kaso ng african swine fever (ASF).
Ito ay ang Barangay Dagupan, Malamote, Osias at Lower Paatan.
Ipinag-utos rin ng Alkalde ang pagbabawal na makalabas ang mga alagang baboy o karne nito mula sa apat na Barangay maliban lang kung may maipakitang mga kaukulang dokumento.
Matatandaan na unang tinamaan ng ASF ang bayan ng Magpet,Kidapawan City at M’lang Cotabato.
Sa ngayon ay kumilos na ang Municipal at Provincial Agriculturist Office para puksain ang ASF sa apat na Barangay sa bayan ng Kabacan Cotabato.










