-- Advertisements --

Nasa apat na barangay na raw ang apektado sa Irosin, Sorsogon dahil sa ashfall mula sa bulkang Bulusan matapos itong mag-alburuto dakong alas-10:37 kaninang umaga.

Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office (MDRRMO) officer na si Fritzie Michelena kabilang sa mga apektadong barangay ang Cogon, Bolos, Gulang-Gulang at Tinampo.

Nasa 800 na pamilya raw ang bahagyang naapektuhan ng ashfall sa naturang mga barangay.

Sa naganap ding phreatic explosion ng Bulkang Bulusan marami rin umano ang apektado sa Juban.

Base naman sa inisyal na assessment hindi pa raw kailangang ilipat sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya.

Pero nakahanda naman daw ang lokal na pamahalaan sakaling kailanganin silang ilikas.

Una rito, iniulat ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na nagtagal ng 16 minutes ang pag-aalburuto ng bulkan na maari pa raw masundan.