-- Advertisements --
Screenshot 20210828 222625 Chrome

Sa kulunga ang bagsak ng apat na barangay official ng Maynila matapos umanong ibulsa ang mga cash aid na para sana sa mga apektadong residente ng Metro Manila noong ipinatupad ang enhanced community quarantie (ECQ).

Una rito, nagreklamo raw ang dalawang benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) sa Manila Social Development Office dahil hindi pa nila nakukuha ang kanilang cash aid.

May nakapagsabi raw kasi sa dalawa na mayroon nang kumuha sa kanilang cash assistance.

Lumalabas namang gumamit ng pekeng mga ID ang mga suspek na sina Barangay 608, Zone 61 executive officer Isagani Darilay at dating tanod na si John Mark Naguera para makuha ang ipinangakong ng pamahalaan na P4,000 na cash sa bawat indibidwal.

Kasabwat umano ng dalawa ang Punong Barangay na si Mario Simbulan at Kagawad Ma. Christina Zara na pare-parehong naaresto.

Narekober din sa mga suspek ang dalawang pekeng ID maging ang master list ng SAP beneficiaries.

Sinabi naman ni Police Lieutenant Rosalind “Jhun” Ibay Jr., chief ng Special Mayor’s Reaction Team Manila na inamin ng mga suspek ang kanilang ginawa.

Haharap ang mga suspek sa kasong malversation of public funds at falsification of documents.