-- Advertisements --
Patay ang 4-anyoa na batang lalaki matapos na hindi nakalabas sa nasusunog na bahay nila sa General Malvar Street, South Cembo, lungsod ng Makati.
Nagsimula ang sunog nitong madaling araw ng Biyernes kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil sa magkakadikit ang mga bahay at pawang gawa ito sa mga light materials.
Mabilis naman na naapula ang sunog dahil sa pagresponde ng mga bumbero mula sa kalapit na lungsod.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protections ang sanhi ng sunog at kung magkano ang naging kabuuang damyos nito.