-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Pinaiimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang may pananagutan sa insidente ng pagkakakuryente ng isang bata sa Virac, Catanduanes.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Antonio Perez, hepe ng Virac PNP, lumabas ang bata at nagpaalam sa mga magulang na maglalaro.
Sa maputik na may kaunting tubig dahil sa mga pag-ulan na dulot pa ng Bagyong Bising, hindi nakita ng bata ang nakalaylay na wire.
Dito na sinabing nakuryente ang bata na agad namang dinala sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.










