-- Advertisements --

Nasa 4.5 million ang bilang ng mga Pinoy na nakapagbukas ng “bank account” gamit ang national ID.

Malaking tulong aniya ang national ID upang tugunan ang financial inclusion lalo na sa mga low-income households.

Sa report na natanggap ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng LandBank of the Philippines na nasa 4.47 million katao ang naisali sa formal banking system sa unang first semester.

Sa nasabing bilang, 27 percent o 1.23 million ang may access sa online digital payments at iba pang transactions lalong lalo na sa Visayas at Central Luzon.

Nananatili pa rin na target ng pamahalaan na makapagrehistro sa national ID system ang 70 million populasyon sa bansa.

Napag-alaman na ang kada individual na makapagrehistro sa step two national ID ay maaari nang makapag-open ng bank account “on the spot” sa LandBank at sa lahat ng available sites.

Maaaring gamitin din ng mga may-ari ng National ID ay upang mag-withdraw ng cash, mamili online at magsagawa ng iba pang mga cashless na transaksyon, pati na rin makatanggap ng anumang subsidiya sa gobyerno sa pamamagitan ng digital.