Nabawasan pa ang bilang ng mga 3rd level officers ng Philippine National Police ang hindi pa tumutugon sa panawagan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na magbitiw sa serbisyo ang lahat ng mga heneral at full pledged colonel ng pambansang pulisya para sa maigting na paglilinis sa buong hanay nito.
Batay sa pinakahuling datos ng pnp, pito nalang ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang courtesy resignation ngayon mula sa sampung mga heneral at koronel na una nang iniulat ng pambansang Pulisya.
Kung maaalala, kahapon ang itinakdang araw ng mga kinauukulan na deadline ng paghahain ng pagbibitiw sa serbisyo ng mga high ranking officials ng pnp bilang pakikiisa na rin sa layuning malinis ito mula sa kalakalan ng ilegal ng droga.
Una nang iginiit ng PNP at DILG na patuloy na iimbestigahan at imomonitor ng mga kinauukulan ang mga indibidwal na hindi nagsumite ng courtesy resignation upang malaman kung may kaugnayan ba ang mga ito sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.