-- Advertisements --

Muling nanaig ang mga atleta ng arnis ng Philippine team kasunod ng pagbulsa ng kanilang manlalaro ng isa pang gold medal.

Ang ikatlong nanalo sa naturang event ay si Technical Sgt. Villardo Cunamay.

Inilampaso nito ang pambato ng Cambodia na si Mengli Yong.

Ang Arnis competition ay isinasagawa sa Angeles University Foundation (AUF) sa Pampanga.