May kabuuang 3,992 2022 Bar passers ang nanumpa ngayong araw kasama ang lahat ng justices, kabilang sina Chief Justice Alexander Gesmundo at Bar exam chair Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Caguioa na hindi dapat isipin ng mga bagong abogado na nagawa na nila ang lahat matapos makapasa sa Bar exams.
Ayon kay Caguioa, ang walong password na ibinigay sa mga examinees sa kanilang walong araw na pagsusuri ay may common thread na tinawag niyang “imprint of a lawyer.”
Kinilala ni Caguioa ang nangungunang limang law universities at schools na may higit sa 100 kandidato, na kung saan ito ay ang Ateneo de Manila University, ang San Beda University, ang University of the Philippines, ang University of San Carlos, at ang University of Santo Tomas.
Pinaalalahanan naman ni Associate Justice Ramon Hernando ang mga bagong abogado na ang kanilang propesyon ay hindi basta basta isang trabaho.
Una na rito, pinirmahan din ng mga bagong abogado ang roll of attorneys o listahan ng mga abogado ngayong araw.