-- Advertisements --
Nakapagtala ng 39 na insidente ng hate crimes target ang mga Pilipino sa Amerika ayon sa Deaprtment of Foreign Affairs(DFA).
Sa isang press conference, sinabi ni DFA Assistant Secretary for Migrant Workers’ Affairs Paul Raymund Cortes nagiging maingat ang konsulado at gobyerno sa pagtukoy sa hate crimes mula sa regular assaults.
Aniya sa pakikipag-pulong kasama ang Philippine Consulate General Consulate sa new York natukoy na mayroong 38 o 39 documented cases kaugnay sa hate crimes.
Ayon sa DFA official maituturing bilang isang hate crimes ang isang insidente kung ang attacker ay nagbanggit ng bansa o idiniscriminate ang biktima sa kasagsagan ng komprontasyon.