Handa na sa pagsasagawa ng face to face classes ang nasa 38,000 paaralan sa bansa para a pagbubukas ng School year 2022-2023 sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan, base sa naging assessment ng ahensiya sa kahandaan ng mga paaralan sa pag-implementa ng health protocols para sa pagsasagawa ng in person classes, halos 38,000 eskwelahan mula sa pribado at public ang pumasa at nakahanda na.
Karamihan na ansa 36,000 ay mula sa public schools na 80% ng kabuuang 47,612 pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ilan sa mga naging requirements para matiyak ang kahandaan ng mga paaralan sa pagsasagawa ng in person classes ay dapat mayroong well-ventilated classroms at hand-washing facilities.
Ayon kay Malaluan, plano ng DepEd na isulong ang pagpapatupad ng 100 face to face classes sa muling pagsisimula ng klase sa Agosto maging sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 2.
Binabalangkas din ng kagawaran ang Learning Recovery and Continuity Towards the New Normal sa papasok na school year na nakatakdang iturn-over sa susunod na administrasyon.