-- Advertisements --
Nasa 36 sa kabuuang 42 na mga Russian drones ang pinagbagsak ng mga Ukrainian military.
Ayon kay Ukrainian interior minister Denys Monastyrskyi na ang nasabing mga Iranian made drones ay siyang ginamit ng Russia sa pag-atake sa Kyiv.
Isa sa mga drone ang napabagsak sa pamamagitan ng pamamaril ng mga kapulisan.
Magugunitang nasa 4 katao ang nasawi sa ginawang kamikaze drone attack ng Russia sa Kyiv, Ukraine.