-- Advertisements --
image 143

Ibinunyag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na may kabuuang 352 local government units (LGUs) ang tatanggap ng halos P2 billion para pondohan ang kani-kanilang development projects.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang P1.9 billion na ipapamahagi sa mga Local gov’t units na binubuo ng 18 lalawigan, 60 lungsod, at 274 na munisipalidad na bahagi at maaaring manalo sa 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang bawat panalong lalawigan ay tatanggap ng P9.5 million habang ang mga lungsod at bayan ay makakakuha ng P7 million at P5 million.

Kung matatandaan, pinagtibay noong 2019 at ipinatupad sa unang pagkakataon sa taong ito na kung saan pinaghihigpitan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) law ang paggamit ng mga pondo para sa mga lokal na proyektong sumusuporta sa “pambansang layunin at mga madiskarteng layunin.

Una rito, pinuri ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. ang mga Local gov’t units na nakapasa sa pamantayan ng SGLG sa kabila ng mga hamon na dulot ng pandemya ng Covid-19.

Top