-- Advertisements --
MAYON VOLCANO

Aabot sa 35 mga kaso ng respiratory problems ang naitala ng Department of Health sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Albay sa gitna ng umiigting pang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Sa isang pahayag ay iniulat ng kagawaran na kabilang sa kanilang mga naitalang kaso ng respiratory problems ay ubo, sipon, at pananakit ng lalamunan.

Paglilinaw ng DOH, ang naturang mga kaso ng nasabing sakit ay hindi pa natitiyak kung ang mga ito ba ay adverse effects ng sulfur dioxide at ashfall na dulot ng Bulkang Mayon.

Ngunit kasabay nito ay tiniyak naman ng ahensya sa publiko na patuloy ang isinasagawa nitong monitoring para sa mga kababayan nating naapektuhan ng pag aalboroto ng nasabing bulkan.

Samantala, sa ngayon ay aabot na sa 4,286 na mga pamilya na o may katumbas na 15,241 katao na ang nailikas mula sa 6km danger zone ng bulkan.