NEW DELHI, India – Patay ang 35 katao sa nangyaring sunog sa isang factory sa New Delhi, India.

Ayon sa pulisya, inaasahan nilang mas darami pa ang bilang ng mga nasawi sa naturang insidente.

Madaling araw nang mangyari ang sunog sa old quarter ng lungsod.

Hirap ang mga awtoridad sa pag-apula nito dahil sa makitid ang mga daanan papasok dahil sa dami ng mga maliliit na manufacturing at storage units sa lugar.

Ayon sa deputy chief fire officer ng New Delhi na si Sunil Choundhary, humigit kumulang 50 katao na ang kanilang nasagip sa sunog na ito.

Karamihan sa mga ito ay mga manggagawa na natutulog sa loob ng apat o limang palapag na building.

Sa ngayon, naapula na aniya ang apoy subalit nagpapatuloy pa rin ang rescue operations. (AFP)