MANILA – Inamin ng Department of Health (DOH) na 34 ospital ang maghahati-hati sa alokasyon ng inaasahang 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech mula COVAX Facility.

“Its a total of 34 hospitals: 32 in Metro Manila, one in Cebu, and (one) in Davao,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ngayong buwan inaasahang darating ang doses ng bakuna na libreng matatanggap ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng DOH na kabilang sa mga ospital sa Metro Manila na makakatanggap ng Pfizer vaccines ay ang mga COVID-19 referral hospitals.

Tulad ng Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.

-- Advertisement --

“Itong mga ospital na ‘to binigyan na ng directive na they should be able to submit to us their verified list of vaccinees and quick substitution list (QSL).”

Sa ngayon halos lahat ng ospital daw ay nakapag-sumite na ng kanilang listahan ng mga makakatanggap ng bakuna.

“Mayroon lang mga ospital na yung kanilang QSL ay hindi pa kumpleto at kinu-kumpleto pa sa ngayon.”