-- Advertisements --

Nasa 33 katao ang inaresto ng mga kapulisan sa George Washington University dahil sa pagsasagawa ng rally.

Ang hakbang na ito ng Washington DC Metro Police ay para linisin ang mga pro-Palestinian na nagsagawa ng kilos protesta sa mga campus.

Lahat aniya ng mga inaresto ay nanlaban sa mga kapulisan at naging marahas ang pagpasok sa unibersidad.

Mula pa noong Abril 25 ay nagtayo na ng tent ang mga mag-aaral sa loob ng campus.

Magugunitang mula pa noong Abril ay sumiklab ang pro-Palestinian rally sa halos 140 US colleges.