NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos mauwi sa isang engkwentro ang isinagawang buy bust operation sa Brgy. Zone 6, Tarusan Street, San Francisco, Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Leman Olea , 33-anyos isang construction worker at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO) sinasabing habang isinasagawa ang operasyon ng matunugan ng suspek na pulis ang kanyang mga katransaksyon.

Dahi dito, agad na bumunot ng baril ang suspek ngunit naunahan ng mga otoridad.

Kaugnay nito, tinamaan ang suspek sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na agad nitong ikinamatay.

-- Advertisement --

Narekober dito ang dalawang plastic ng pinaniniwalaang shabu, buy bust money, isang kalibre 38, fired cartridge case at tatlong fired bullet.

Samantala, sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente maging sa pagkakatunton sa supplier nito ng ipinagbabawal na droga.