-- Advertisements --
Kinansela pansamantala ang klase sa mga eskwelahan sa mga probinsya ng Iloilo at Negros Occidental dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar.
Batay sa abiso, epektibo ngayong araw ang naturang kanselasyon, at magtatagal hanggat hindi binabawi.
Sa probisnya ng Iloilo, 32 na LGU, kabilang ang kabisera nito ang nagdeklara ng kanselasyon.
Sa Negros Occidental, 22 LGU naman ang nagdeklara ng kanselasyon, kabilang na ang lungsod ng Talisay, at iba pa.
Ang mga naturang pag-ulan ay dala pa rin ng Bagyong Goring at pinalakas na epekto ng Habagat na nakaka-apekto sa malaking bahagi ng bansa.