-- Advertisements --

Patay ang 31 katao matapos ang naganap na stampede sa isang simbahan sa Port Harcourt City, Nigeria.

Karamihan sa mga nasawi ay mga kabataan na dumalo sa isang kasiyahan sa Kings Assembly Church.

Nagtulakan ang mga tao na makalapit sa simbahan para makakuha ng mga regalo sa isinagawang “Gift Donation Drive”.

Habang isinasagawa ang pamamahagi ng regalo ay biglang dumami ang mga tao at doon nagsimula na silang magtulakan sa nakasaradong gate.

Itinakbo naman sa pagamutan ang 7 kataon na nasugatan sa insidente.