Aabot sa 31 na mga informants ang nabigyan ng rewards ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa PDEA na aabot sa P7.4 milyon ang kanilang naibahagi sa mga informants dahil sa pagbibigay nila ng mga impormasyon na nagresulta sa tagumpay ng kanilang drug operations.
Isinagawa nitong Lunes ang pamamahagi ng reward money sa mga informants
sa mismong headquarters ng PDEA sa Quezon City.
Pinangunahan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez at ang mga miyembro ng Private Eye Rewards Committee.
Ang pamamahagi ng rewards at incentives ay base sa ilalim ng PDEA “Operation Private Eye: na isang citizen-based information collection program na nanghihikayat sa mga mamamayan na magreport ng mga iligal na drug activities sa kanilang lugar.
Pinuri ni Nerez ang mga informants dahil nagresulta ito sa tagumpay ng 33 na high-impact drug operations at nabuwag ang mga criminal networks.
Isa sa mga informants ang nakatanggap ng mahigit P1.8- milyon na nagresulta sa pagkakakumpiska nila ng halos 25 kilos ng shabu at pagkakaaresto rin ng tatlong drug personalities.
Lahat aniya ng mga nailabas na reward ay sumailalim sa masusing evaluation ng OPE Reward Committee na binubuo ng pangunahing opisyal ng PDEA, kinatawan mula sa business, academic at religious sectors para matiyak ang transparency, integrity at accountability.
















