Nasa 3,000 sundalo mula sa United States Army Pacific (USARPAC) 25th Infantry Division at Philippine Army (PA) ang lalahok sa Salaknib military exercise sa susunod na taon.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, ang pagsasanay sa susunod na taon ay isasagawa sa dalawang yugto sa Central at Northern Luzon, at Mindanao.
Sinabi naman ni Philippine Army Deputy Assistant Chief of Staff for Education and Training (DG8), Col. Emmanuel Cabasan, na inaasahan niyang ang mga benepisyo ng pagsasanay mula sa iba’t bang aktibidad at pagpapalitan ng kaalaman, ay magagamit ng parehong hukbo para sa kanilang bentahe.
Ayon naman kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na ang taunang pagsasanay ay testamento ng “long-standing bilateral relations” ng Pilipinas at Estados Unidos, na makakatulong sa pag kamit ng nagkakaisang layunin na panatilihing malaya at bukas ang Indo Pacific Region.