Tinatayang nasa 3,000 indibidwal na raw ang nagpahayag ng intensyon na mag-apply sa emergency hiring ng Department of Health.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sinasala pa nila kung saang mga ospital maaaring ma-deploy ang mga nagpahayag ng interes na maging dagdag pwersa ng gobyerno kontra COVID-19.
Target ng DOH na makapag-hire ng 15,000 health professionals.
“Iyong 15,000 po ay estimate kapag nag surge ang cases, estimate ng kakailanganin ng mga ospital at iba’t ibang health facilities tulad ng laboratories, kasama na ang encoders.”
Sa ngayon nahihirapan daw ang DOH na maghanap ng mga doktor at molecular biologists, kaya sa ilang unibersidad sila umaasa ng dagdag manpower.
“Kaya kailangan po natin makipag-usap sa mga universities at mga partners para pahiramin tayo habang wala pa tayong nakikita.”