Aabot sa 300 mga pulis ang nakatakdang ipakalat ngayon ng Pambansang Pulisya sa Cotabato City bilang bahagi ng paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Ito ay matapos ang ilang insidente ng karahasang naitala sa naturang lugar na may kaugnayan sa naturang halalan.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCOL Jean Fajardo, ang mga pulis na ipapakalat sa naturang lungsod ay magmumula sa Reservce Force ng PRO-BARMM.
Bukod dito ay nakatakda ring magdeploy ng mga personnel ang PNP Special Action Force at Philippine Marines para tumulong rin sa pagtiyak sa seguridad ng naturang lugar.
Matatandaan na kamakailan lang ay napabilag na sa validated election-related incident ang pagkasawi ng tatlong indibidwal kabilang na ang dalawang kandidato sa pagka-brgy kagawad at isang tagasuporta nito.