-- Advertisements --
Nakatakdang matanggap ng nasa 300 overseas Filipino workers pa na naapektuhan ng pagkalugi ng mga kompaniya sa Saudi Arabia ang kanilang cheke na bibigay sa pamamagitan ng Saudi government.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang mga cheke ay nakatakdang ipamahagi sa mga susunod na linggo.
Aniya, ang payment para sa 1,104 claimants ay nagsimula noong huling bahagi ng Enero ng kasalukuyang taon.
Kung saan ayon sa DMW, aabot na sa 843 claimants na ang naka-encash na ng ng kanilang sweldo.
Samantala, nakatakdang ipamahagi ang panibagong batch ng 400 na cheke sa Marso.