-- Advertisements --

Nakatakdang paliparin pabalik ng China ngayong araw ang nasa 300 foreign workers na napatunayang iligal na nagta-trabaho rito sa Pilipinas.

Ayon sa Bureau of Immigration, parte ng grupong naaresto kamakailan sa Parañaque City ang pauuwiing mga dayuhan sakay ng tatlong chartered flights.

Batay sa ulat, sangkot ang mga nahuli sa sinasabing online investment scam.

Kabilang dito ang 21 menor de edad na nakatakda ring ipa-deport.

Nabatid ng Immigration na walang hawak na special working permit ang mga dayuhan nang pumasok sila ng Pilipinas.