-- Advertisements --

ILOILO CITY – Aabot sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).

Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni International correspondent Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng COVID-19 patient.

Katulong daw ng mga ito ang gobyerno sa pagmomonitor ng kanilang kondisyon.

Nago-opisina raw ang mga ito sa 43rd floor ng isang gusali.

Nananatili naman umano ang Singaporean government sa pangako nitong magsu-supply ng pagkain at pangangailangan ng mga apektadong residente.

Batay sa latest update ng pamahalaan, 47 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.