-- Advertisements --

Binatikos ni Speaker Alan Peter Cayetano ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa sinasabing delays sa pagpapahatid ng emergency cash subsidies at iba pang ayuda sa mga qualified beneficiaries sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati sa joint hearing ng House Committees on Good Government and Public Accountability at ng Public Accounts pinuna ni Cayetano ang aniya’y “bureaucratic” steps na ipinapatupad ng DSWD sa pagpapahatid ng emergency cash aid.

“Assuming everyone cooperated, less than one week, longest two weeks. Ang tingin namin diyan two to three days yung initial house to house, another three to four days to distribute,” ani Cayetano.

“Pero pagkatapos naming ipasa ang batas, biglang ito ang ipapakita niyo sa amin. 30 steps,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Cayetano na kung inaabot ng 30 steps ang pagpapahatid ng cash subsidy, sana raw ay hindi na minadali nilang mga mambabatas ang pagpasa sa Bayanihan to Heal as One Act.

“Nag-uusap tayo March and start of April. Tapos hindi kayo magtataka bakit galit ang tao? Bakit galit ang ating mga kababayan at Kongreso?” saad nito.

Ayon sa lider ng Kamara, natukoy na niya ang apat na regional directors ng DSWD na “guilty” raw sa delays sa distribusyon ng COVID-19 cash assistance, pero hindi na niya ito pinangalanan pa.