Simula Lunes, March 30, ay asahan na rin daw ang paggiging full scale operational ng Lung Center of the Philippines bilang referral hospital ng mga pasyente sa COVID-19.
Nitong Biyernes nang magbukas ang dedicated wing ng Philippine General Hospital ng mga positibong pasyente dahil sa kanilang 130 bed allocation.
Binigyan na rin ng certification ng Department of Health (DOH) ang apat na sub-national laboratories para sa kanilang full operation ng COVID-19 testing.
Ang Baguio General Hospital para sa Central Luzon; San Lazaro Hospital para sa Metro Manila; Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Visayas; at Southern Philippines Medical Center sa Mindanao.
Inaasahan na rin ang pag-opearate ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital bilang ikatlong referral hospital.
Sa ngayon may 30 pribado at pampublikong ospital daw ang sumasailalim sa iba’t-ibang level ng certification para makapaghawak din ng testing sa COVID-19.
Tuloy-tuloy naman ang DOH sa pamamahagi ng personal protective equipment sa mga healthcare workers.
May 200,000 diagnostic kits na raw na nai-distribute ang ahensya sa Research Institute for Tropical Medicine at PGH; dalawang ventilator at 50,000 test kits.
Ang ilan sa mga ito ay donasyon ng private groups at foundation sa DOH.