Pumapalo raw sa 30 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Nasa 29 percent naman ang nagsabing hindi gumanda kundi lumala ang kalidad ng kanilng buhay habang 41 percent ang nagsabi na pareho lang naman o walang pagbabago sa kanilang buhay sa nakalipas na isang taon.
Ang resulta ng SWS survey ay isinagawa noong September 29 hanggang November 2, 2022.
Nagresulta ang naturang survey ng net gainers score na zero.
Nakuha ito sa pamamagitan ng 39 percent “gainers” o ang mga nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang buhay at ibabawas dito ang 29 percent ng mga “losers” o ang mga nagsabing lumalala ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Ang net gainers score na zero ay itinuturing naman ng SWS na “fair” o itoa y may negative 9 hanggang zero.
Bahagyan namang gumanda ang naturang score mula sa fair negative 2 net gainer score noong June at April 2022.
Pero itoa y 18 points na mas mababa sa very high positive 18 net gainer score noong December 2019 o bago ang pandemic.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng paggamit ng face-to-face interviews sa 1,500 adults nationwide.
Nasa tig-300 respondents ang kinuha sa Metro Manila, Visayas at Mindanao at 600 respondents sa Balance Luzon.
Ang sampling error margins naman ay ±2.5 percent para sa national percentages, ±5.7 percent naman para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao at ±4.0% para sa Balance Luzon.