Tuluyang naabot ang aabot sa hindi bababa na 30 na kabahayan matapos na lamunin ito ng apoy sa Brgy. San Roque sa Quezon City
Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region ang naturang sunog ay sumiklab pasado alas-5:10 ng umaga .
Umabot ang sunog sa ikalawang alarma.
Paliwanag ng BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa mga light materials ang mga kabahayan.
Sinasabi namang nagsimula ang apoy sa gitnang bahagi ng mga ito.
Dahil sa naturang insidente , apektado rin ngayon ang aabot sa 50 pamilya .
Agad naman itong nagsilikas at kaagad na nagtungo sa sa pinakamalapit na mga paaralan na magsisilbi namang evacuation area.
Samantala, idineklarang fire under control ang sunog dakong ala-6:37 ng umaga ngayong araw
Sa ngayon ay patuloy namang iniimebstigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang kabuuang pinsala ng naturang insidente.