-- Advertisements --

Inilipat sa kakabukas lamang na isolation facility ng Philippine Red Cross sa Adamson University ang nasa 30 indibidwal na tinamaan ng COVID-19 sa Hospicio de San Jose orphanage sa Manila.

Magugunita na noong nakaraang Linggo lang umapela pa ng cash donations ang bahay ampunan kasunod nang naitalang 80 COVID-19 cases sa mga bata at tauhan nila.

Ayon kay Hospicio de San Jose president Siste Maria Socorro Pilar Evidente, mabilis na kumalat noong Agosto ang COVID-19 infections sa kanilang bahay ampunan.

Sa 80 COVID-19 patients, sinabi ni Evidente na dalawa ang severe cases, na dinala na sa ospital, habang ang natitirang 78 ay nagpapagaling pa.

Hanggang kahapon, Agosto 28, ang bilang ng active COVID-19 cases sa lungsod ng Maynila ay pumalo sa 1,817, ayon sa Public Information Office ng City Government.

-- Advertisement --