
Tatlong tourist destination daw ngayon ang target buksan ng Department of Tourism (DoT) para sa domestic tourism sa Palawan.
Ayon kay DoT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, kasama na rito ang El Nido, Coron at San Vicente.
Sa ngayon nasa El Nido raw si Puyar para sa konsultasyon sa muling pagbubukas ng mga tourist destination sa Palawan.
Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin daw si Puyat sa mga local officials ng Bohol para sa limitadong domestic tourism sa probinsiya.
Pero ayon daw kay Bohol Governor Arthur Yap, gusto raw muna nitong magkaroon ng sapat na RT-PCR machines bago ang pagbubukas sa probinsiya para sa domestic tourism.
Ayon kay Puyat, top priority pa rin naman ng DoT ang health at safety protocols sa pagbubukas ng ilang areas para sa turismo.
Una rito, sinabi ng DoT na todo na raw ang paghahanda at koordinasyon nila sa iba’t ibang local government units (LGUs) para ihanda ang mga tourist destination sa kanilang mga lugar bilang paghahanda sa domestic tourism sa ilalim na ng tinatawag na new normal.
Una rito, noong Hunyo 16 ay nagbukas na ang Boracay pero para lamang sa domestic tourism.
Samantala, base umano sa pinakahuling statistics sa turismo, lumago pa ang turismo ng bansa sa 10.8 percent kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.










