-- Advertisements --
Patay ang tatlong sundalo sa US matapos ang banggaan ng dalawang US Army helicopters sa Alaska.
Dalawa sa sundalo ang agarang namatay sa lugar ng pinangyarihan habang nasawi ang pangatlo habang ito ay dinadala sa pagamutan sa Fairbanks.
Dinala naman sa pagamutan ang isa pang sundalo na nasugatan sa aksidente na naganap malapit sa Healy, Alaska.
Bawat AH-64 Apache helicopter ay may dalang dalawang katao ng mangyari ang aksidente.
Ang isang helicopter ay mula sa Attack Batalion, 25th Aviation Regiment sa Forth Wainwright na nakabase sa Fairbanks.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.