-- Advertisements --

Sugatan ang tatlong kalalakihan matapos na sila ay pagsasaksakin ng isang babae sa isang tren ng Akihabara Station sa Tokyo, Japan.

Mabilis na rumesponde ang kapulisan matapos matanggap ang ulat na may babaeng nanaksak sa Yamanote loop line isa sa pinaka-abalang transport routes sa lungsod.

Agad na naaresto ng mga otoridad ang babae habang dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Dahil sa insidente ay pansamantalang itingil ang operasyon ng train station.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pananaksak.