-- Advertisements --

Sinibak na sa puwesto ang tatlong Arkansas sheriff deputies matapos nilang pagtulungan ang isang pulubing lalaki.

Ayon sa Crawford County Sheriff’s Department, kasama nila ang dalawang pulis na makikita sa video habang ang isa ay miyembro umano ng Mulberry Police Department.

Makikita sa kumalat na video na inapakan at niluhuran pa ng mga tatlong pulis ang isang lalaki na mayroong problema sa mental health nito.

Naganap ang insidente sa Kounty Xpress gas station kung saan rumesponde ang mga kapulisan sa isang tawag sa kanilang dahil umano sa pagbabanta sa isang clerk.

Sa una ay naging kalmado ang lalaki hanggang sa bandang huli ay nanlaban na umano ito.

Sinuspendi na ang dalawang pulis na sangkot habang ang isa ay nasa administrative leave.