-- Advertisements --

Ilang linggo pa lamang ang nakakalipas matapos na magkampeon ang Golden State Warriors, nabulabog din ang kanilang team matapos na pakawalan ang tatlong players para sa free agency.

Pumayag kasi sina Gary Payton II na pumirma sa Portland Trail Blazers, si Otto Porter Jr. ay napunta naman sa Toronto Raptors, habang si Juan Toscano-Anderson ay maglalaro na sa Los Angeles Lakers.

Inaasahang mas malaking pera ang kanilang makukuha sa deal lalo na at mahalaga ang papel na kanilang na ginampanan sa pagkampeon ng Warriors.

Samantala mananatili naman sa Golden State ang kanilang starting center na si Kevon Looney matapos na pumayag na magkaroon umano ng discount sa kanyang tatanggapin na suweldo.

Ang Warriors starting center ay babalik pa rin sa $25.5 million sa mahigit na tatlong taon.

Sinasabing mas mataas pa sana ang tatanggapin ni Looney kung nasa ibang team lamang na may non-taxpayer exception.