-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng 1st Infantry Battalion sa Brgy Abu-abu, Mauban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa 2nd Infantry Division, Philippine Army, pag-alaman na nakasagupa ng mga militar ang tinatayang 10 miyembro ng rebeldeng grupo kung saan tatlo sa mga ito ang namatay.

Tumagal umano ng limang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Samantala, narekober naman ng mga militar ang isang 9mm pistol mula sa mga rebelde.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang clearing operation ng mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng naturang bakbakan.