Pinasusupinde ni Ombudsman Samuel Martires sa loob ng anim na buwan ang tatlong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa umano’y maanomaliyang IT project.
Sa loob ng anim na buwan ay hindi makakatanggap ng kanilang sahod sina PhilHealth Senior Vice President Jovita Aragona, Acting Senior Manager ng PhilHealth IT at Management department Calixto Gabuya, Jr. at Bids at Awards Committee Secretariat Elena Castismo ng PhilHealth Regional Office-NCR.
Ang mga opisyal ng PhilHealth na ito ay iniimbestigahan dahil sa grave misconduct, at serious dishonesty.
Iginiit ni Martires na ang preventive suspension na ito ay salig sa Ombudsman law.
Sinabi ni Martires na immediately executory ang anim na buwan na suspension order without pay na ito.