-- Advertisements --

Patay ang tatlong katoa kabilang ang suspek sa namaril sa sa probinsiya ng Langley, British Colombia sa Canada.

Sinabi ni Chief Superintendent Ghalib Bhayani ng regional Royal Canadian Mountain Police force na patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa mga serye ng barilan.

Una na silang naglabas ng emergency alert sa dahil sa nangyaring pamamaril.

Patuloy pa rin ang ginagawa nilang imbestigasyon kung ano ang naging motibo ng nasabing pamamaril.