-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang pananalasa ng malakas na ipo-ipo sa central Oklahoma.
Mula sa McClain County ang dalawang biktima habang ang isa ay mula sa katabing lugar.
Natapos ng mga otoridad ang rescue operations sa lugar.
Sinabi ni Sheriff’s Deputy Scott Gibbons na maraming kabahayan sa lugar ang nasira dahil sa insidente.
Ayon sa National Weather Service na mayroong kategorya ito na EF-3 o ang pangatlo sa pinakamalakas na tornado sa kanilang Enhanced Fujita scale na may lakas ng hanggang 265 kilometers per hour.