-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao habang marami ang nasugatan ng yanigin ng magnitude 5.9 na lindol ang Iran.
Ayon sa Iranian Seismological Center tumama ang sentro ng lindol sa Khoy City ng West Azerbaijian province sa northwest Iran.
Maraming mga gusali ang nasira habang itinakbo na sa pagamutan ang 816 na kataong sugatan.
Naramdaman ang nasabing lindol sa karating na lungsod ng Khoy City.
Nagsasagawa pa ng mga assessment sa nangyaring lindol.
















